Cordillera Day in Baguio City

KATRIBU Partylist, duly accredited by the Commission on Elections (Comelec), is participating in the May 10 elections specifically in the partylist system. KATRIBU aims to bring representatives to Congress that will uphold and protect the rights and welfare of indigenous peoples.
* KATRIBU Agenda
* Nominees of KATRIBU

KATRIBU Partylist is a member of Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan), a political coalition presently comprised of eight Philippine progressive parties.

KATRIBU is also endorsing the senatorial candidacy of Rep. Satur Ocampo (Bayan Muna) and Rep. Liza Maza (Gabriela Women's Party).

Sa Gitna ng Automated Eleksyon: KATUTUBO humarap sa lumang problema.

Manila (may 10)--Ang kagalakan ng mga katutubong Mangyan na bomoto sa kauna-unahang automated election ay napalitan ng dismaya ng makaranas ng diskriminasyon at samut-saring problema na dulot nito.Dinagsa ng ibat-ibang ulat ng reklamo ang opisina ng KATRIBU Partylist mula sa mga pollwatchers at volunteers nito mula sa ibat-ibang komunidad.

Ayon Kay Nelson Mallari, Secretary General ng KATRIBU Partylist, “Nakababahala ang mga ulat na natatanggap namin. Samut-sari ang mga insidente ng pandaraya at iregularidad ang aming natatanggap mula sa ibat ibang lugar ng mga katutubo.”

Isa sa mga nai-ulat sa opisina ng KATRIBU partylist ang iregularidad sa mga balota na ibinibigay sa mga botante.

Ayon sa mag-asawang Mangyan na sina Danny at Gemma Carculan, napansin nila na ang mga balota na ibinahagi ng Board of Election Inspectors (BEI) sa mga botante sa presintong sumasaklaw sa Brgy Balao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro ay naitiman (pre-shaded) na.

Isinumbong nila ito ang naturang insidente sa pollwatcher ng KATRIBU na siya naman ang kumausap sa BEI upang ilinaw ang naturang reklamo. Hinamon ng BEI na humarap muna sa kanya ang mga katutubo bago maghain ng reklamo subalit sa takot ng mga katutubo na magulo pa ang daloy ng eleksyon ay hindi na ito humarap.

“Malinaw sa insidenteng ito na hindi pa rin nawawala ang dayaan sa eleksyon, nagkakaroon lang ito ng bagong porma. Pinapakita nito na ang automated election ay hindi isang “panacea” o gamot na na sasagot sa lahat ng problema sa atin halalan.”

Dagdag pa sa naunang insidente, hindi kaagad pinaboto ang mga butante. Pina-una ng BEI ang hindi mga katutubo sa pagboto kaya inabot na ng bandang alas-tres ng hapon bago muling pinaboto ang mga katutubo.

Nakaranas rin ng ganitong diskriminasyon ang mga katutubo Aeta mula Brgy Kamias, Porac Pampanga. Humingi ng tulong sa proseso ng pagboto ang mga Aeta mula sa mga BEI subalit sila ay tinanggihan. Binigyan lamang sila ng pansin ng BEI ng ipilit nila na kailangan nito ng tulong.

“Malinaw na mga kaso ito ng diskriminasyon sa mga katutubo. Ang eleksyon na lang ang sinasabing isang pagkakataaon na maaring maging pantay-pantay ang mga tao pero tila haggang botohan ay hindi pa rin pantay ang tingin sa katutubo.”

“Tila ang pangakong maginhanwang eleksyon na dulot ng automated eleksyon ay pangakong napako bagkos ay nagdagdag lamang ng panibagong pasanin sa mga taumbayan.”##

volunteer.png donate.png

KATRIBU Partylist National Headquarters
Room 302, UCCP Building, 877 EDSA, West Triangle, Quezon City, Philippines
Telefax No: (+63 2) 412-5340; (+63 2) 486-4099

KATRIBU Partylist Cordillera Region
2nd Floor, #55 Ferguson Road, Baguio City, Philippines
Tel. No. (+63 74) 300-4239
Fax No. (+63 74) 443-7159

KATRIBU Partylist Mindanao
13 Francisco St., Juna Subd., Matina, Davao City, Philippines
Tel. No. (+63 82) 299-4964